Roberto Bargabino
President ng Fisherfolk ng Sitio Kabilang Ibayo
Bantay Dagat
“Maganda ang buhay namin noon nung hindi pa nalulubog yung barko na kinakargahan ng langis na ‘yon. Sa katunayan nga ang anak ko ay nag-aaral sa Divine sa Calapan. Nag-aaral siya ng Civil Engineering. Nung nalubog yang barko na yan, biglang napatigil. Kami ay biglang nanglumo sa halip na siya ay graduating na, ay tumigil na gawa niyan. Dito muna sya sa Pola Community College pumapasok na libre. Teacher na lang muna ang kinukuha niya at babalikan nya ang engineering kapag maganda na uli ang aming hanapbuhay. Dati, hinihuli namin mga isang daang kilo. Minsan, naka one fifty kilos pa, ngayon bumabalik kami sa limang kilo. Babago pa lang tumataas ulit ang aming kita. Sa katunayan ano meron kaming kita na kinse mil noong umaga. Eh ngayon ay tatlong libo, dalawang libo, hindi namin kaya halos kitain. Yan po ang epekto sa amin ng langis na yan. Dalawa na sana yung bangka ko kung tuloy-tuloy na po yung hindi dadating yung oil spill, tuloy-tuloy na po yung panghuhuli namin yon. Ang ganda po ng kita namin noon. Ako po ay nakakita ng merong siyam na libo, pinakababa ko noon ay tatlong libo eh. Eh nung nagkaroon nga po ng oil spill, biglang nawala. Hindi pa po bumabalik ang isda dito sa bayan ng Pola. Talaga po hindi pa malinis yung dagat. Sa katunayan nga po eh nung kailan lang nung pasok nitong December, ang dami pang buo-buo diyan na langis na nakadikit na sa buhangin. Sana po naman ay ibigay sa amin yung karapatan na ibayad sa amin sa mga nangyari niyan dahil malaki ang nawala sa kabuhayan namin. Tulungan kami ng gobyerno na ibigay sa amin yung dapat sa amin.”
Photo by: Jilson Tiu for Protect VIP / CEED